FERRIS WHEEL

Ferris Wheel Nakakatuwa, nasasabik akong maranasan ang ibang klaseng sasakyan na malimit na sinasakyan ng magkasintahan. Nakakakilig, lalo na nung sinabi mong sasamahan mo ako Paniguradong nagmamahal ka na rin ng palihim sakin kagaya ng ginagawa ko Nakakakaba, nung sinubukan kong sumakay. Di ko alam ang kahihinatnan pero nandun ka kaya nagtiwala ako. Unang beses to kaya paghahandaan ko. Napakasaya, matapos ang iilang ikot, nananatiling nakatuon sakin ang iyong mga mata. Ramdam kong ligtas ang sinasakyan pero nahulog ako sa mga ngiti mo. Nakakapanibago, hawak mo ako kani kanina lang. Pero kasabay ng paghinto ng sasakyan ang pag bitaw mo sa aking mga kamay. Nakakalula, oo tunay na nakakalula lalo na nang nakita kitang nasa tuktok uli pero sa pagkakataong ito, kasama niya, habang ako naman nasa baba pinagmamasadan ka. Nakakalito, biglaan mo kong hinayaan sa dagat ng mga tao. Nasan ka na? Hindi ba't kasama lang kita kanina? ...