"DAKPAAT"
Ang pagkakaibigan na marahil ang isa sa mga bagay na mahirap ipagpalit sa materyal na bagay. Sila ang mga taong naging parte na ng ating buhay na mananatili na sa ating puso at isipan magpakailanman.
Taong 2016, ng unang beses na makilala ko ang mga taong hindi ko inakala na bubuo ng aking pagkatao. Mga kaibigan na may ibat ibang ugali at estado sa buhay ngunit pinag buklod buklod upang maging sandigan ang isat isa. Nag umpisa ang lahat sa tanungan, at nauwi nasa kulitan at mga asaran hanggang sa ang bawat isa ay naging komportable na. Sa loob ng halos dalawang taon ay maraming mga karanasan na ang aming napagsaluhan, naging takbuhan namin ang bawat isa sa tuwing nakararanas ng problema at pagsubok sa buhay. Sa kabila ng aming pagsasama ay ilang beses narin sinubok ang aming pagkakaibigan ngunit nanaig parin ang pagmamalasakit at pagmamahal ng bawat isa.
Kaya naman sa mga "kapatads" maraming salamat, salamat sa lahat ng masasayang karanasan na kasama kayo. Salamat sapagkat hindi man madali ang magpatuloy at harapin ang hamon ng buhay ngunit dahil sa inyo ay naging masaya ang bawat yugto ng aking buhay. Isa kayo sa mga bagay ng pinahahalagahan ko at patuloy na ipinagpapasalamat sa Diyos.
Comments
Post a Comment