Hindi ka Nag-iisa




Hindi ka Nag-iisa



Ilang beses ka na bang sinaktan, binigo at iniwan? Marahil hindi mo na mabilang. Bawat tao ay nakararanas na mga problema sa buhay, maging ang mga paslit ay namomroblema sa damit na kanilang isusuot, pagkain na kanilang kakainin at maging mga laruan ng kanilang ipapabili. Mga kabataan na inaalaala ang kanilang pag aaral, maging ang kanilang mga kaibigan at pamilya. At ang mga magulang na iniisip kung saan kukuha ng pangkain at pang matrikula ng mga anak.

Ang pagsubok ay parte na ng ating buhay, bawat isa sa atin ay nakararanas nito. May mga pagkakataon na nawawasak tayo dahil sa paninirang puri ng ibang tao, pagkakaroon ng wasak na pamilya at pag iwan ng mga taong pinahalagahan at minahal natin. At higit sa lahat ay ang sirang relasyon na meron tayo sa Diyos.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito ay hindi kailanman nagkulang ang Diyos sa atin, ipinaramdam niya na kailanaman ay hindi tayo na-iisa, dumating man sa punto na nakakalimutan at sinisisi natin siya ay patuloy niya parin tayong iniahon mula sa pagkakabagsak. Alam ng Diyos ang bawat hinaing at pangangailangan ng bawat isa, ang nais lamang niya ay dumipende at magtiwala tayo sa kanya. At ang mga problemang ito ay isang paraan lamang Niya upang hubugin ang ang ating pagkatao at palakasin ang ating pananampalataya.

Comments

Popular posts from this blog

Alaala ng Aking Pagkabata

Ang Tunay na Paglalakbay