Bagong Bayani



 Bagong Bayani

Siya ang rason kung bakit ako bumabangon
Sa aking pag bagsak ay muli akong inahon
Patuloy na gumagabay hanggang sa ngayon
Di natinag sa mga pagsubok at hamon

Nagsimula sa kanyang dugo at sinapupunan
Ako'y nabuhay at sa kanya'y nagbigay kasiyahan
Gumabay sa aking unang paglakad
Hanggang sa ang buhay ay patuloy na umusad

Ngunit isang araw na sa akin ay tumatak
Ika'y lumisan at maleta ang hawak
Hindi napigilan ang mga luha sa pagpatak 
Hindi ko mawari kung ako ba'y magagalak

Ika'y umalis at nangibang bansa
Tiniis ang hirap, lungkot at pagdurusa 
Hindi ininda pagod na kanyang nadarama
Sapagkat ang nais sa pamilya'y buhay na maganda

Maituturing ngang isa kang bayani o Ina 
Kaya naman ang tulang ito'y alay ko sa iyo
Pagsubok ma'y dumating, itoy yinari mo na
Salamat sa buhay na tuluyan mong binago.















Comments

Popular posts from this blog

Alaala ng Aking Pagkabata

Ang Tunay na Paglalakbay