Ang Tunay na Paglalakbay




Ang Tunay na Paglalakbay

Ang buhay ang isa sa pinaka masarap na regalo na natanggap natin mula sa Diyos. Ito ay isang mahabang paglalakbay na kung saan makakaranas tayo ng ibat ibang uri karanasan na magbibigay aral at upang mas maging matatag tayo na harapin ang bawat hamon ng buhay. Napakasarap balikan ng ating kamusmusan na kung saan napaka simple at saya lamang ng buhay, buhay na walang kapaguran at malaya nating nagagawa ang mga bagay na ating naisin. Ngunit kasabay ng paglipas ng panahon ang pagbabago ng pananaw natin sa mundo mas malaki na ang responsibilidad at obligasyon na ating kinakaharap. Ngunit ang bawat isa sa atin ay binigyan ng Diyos ng pagkakataon kung ano ang buhay na nais nating tahakin. May pagkakataon na nakararanas tayo ng pagkabigo, pagkakamali at kalungkutan bunga ng ating mga desisyon. Kaya naman habang tayo ay nabubuhay, gawin nating makabuluhan ang bawat araw na dumadaan. Huwag natin itong sayangin sapagkat kailanman ay hindi na natin maaari pang balikan ang mga bagay na nakalipas na.

Comments

Popular posts from this blog

Alaala ng Aking Pagkabata