Alaala ng Aking Pagkabata









Alaala ng Aking Pagkabata

Tunay nga na napakabilis lamang ng panahon na parang kailan lang noong tayo ay mga musmos pa lamang. Mga panahon na napaka sarap balik balikan at naging parte na ng ating buhay.
Isang araw habang ako ay nakatingin sa malayo at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa kalsada ay sandaling bumalik ang mga masasayang alaala nung ako ay bata pa,mga panahon na kahit sa simpleng bagay lamang ay nagiging masaya . Sandaling sumagi sa aking isipan ang mga panahong madalas akong patulugin ni nanay kahit hindi naman ako inaantok at kapag nakakuha ng tyempo ay dali daling tatakbo sa lugar na kung saan madalas kaming naglalaro ng patintero, piko at agawan ng bola na madalas na iniiyakan ko sa tuwing lagi akong natatalo. Madalas din na kami ay maligo sa ulan at walang sawang pagtalon tuwing maglalaro ng chinese garter at uupo sa ilalim ng puno kapag sandaling nakaramdam ng pagod at pagkatapos ay mabilis na tatakbo patungo sa bahay kapag nakitang may dala ng pamalo si nanay. Ngunit pagdating ng umaga balik na naman sa dating tagpuan at doon ay mapupuno na naman ng tawanan, kulitan, kantyawan at walang hanggang sawang kwentuhan hanggang sa hindi mamalayan ang paglipas ng mga oras. Napakabilis ng paglipas ng mga taon at hindi ko namamalayan na napakarami na ng pagbabago, mula sa mga laro at maging ang mga kaibigan na nakasama kong bumuo ng mga magagandang alaala, napapangiti na lamang ako sa tuwing maaalala ko na minsan ako'y isang naging bata. Ngunit hindi na natin kaya pang ibalik ang mga panahon na nakalipas na at kailangan na nating magpatuloy sa buhay na tinatahak natin ngayon. At patuloy na lamang nating baunin ang mga masasayang alaala ng nagdaang panahon.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Tunay na Paglalakbay