Posts

Showing posts from February, 2018

Alaala ng Aking Pagkabata

Image
Alaala ng Aking Pagkabata Tunay nga na napakabilis lamang ng panahon na parang kailan lang noong tayo ay mga musmos pa lamang. Mga panahon na napaka sarap balik balikan at naging parte na ng ating buhay. Isang araw habang ako ay nakatingin sa malayo at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa kalsada ay sandaling bumalik ang mga masasayang alaala nung ako ay bata pa,mga panahon na kahit sa simpleng bagay lamang ay nagiging masaya . Sandaling sumagi sa aking isipan ang mga panahong madalas akong patulugin ni nanay kahit hindi naman ako inaantok at kapag nakakuha ng tyempo ay dali daling tatakbo sa lugar na kung saan madalas kaming naglalaro ng patintero, piko at agawan ng bola na madalas na iniiyakan ko sa tuwing lagi akong natatalo. Madalas din na kami ay maligo sa ulan at walang sawang pagtalon tuwing maglalaro ng chinese garter at uupo sa ilalim ng puno kapag sandaling nakaramdam ng pagod at pagkatapos ay mabilis na tatakbo patungo sa bahay kapag nakitan...
Image
"DAKPAAT" Ang pagkakaibigan na marahil ang isa sa mga bagay na mahirap ipagpalit sa materyal na bagay. Sila ang mga taong naging parte na ng ating buhay na mananatili na sa ating puso at isipan magpakailanman. Taong 2016, ng unang beses na makilala ko ang mga taong hindi ko inakala na bubuo ng aking pagkatao. Mga kaibigan na may ibat ibang ugali at estado sa buhay ngunit pinag buklod buklod upang maging sandigan ang isat isa. Nag umpisa ang lahat sa tanungan, at nauwi nasa kulitan at mga asaran hanggang sa ang bawat isa ay naging komportable na. Sa loob ng halos dalawang taon ay maraming mga karanasan na ang aming napagsaluhan, naging takbuhan namin ang bawat isa sa tuwing nakararanas ng problema at pagsubok sa buhay. Sa kabila ng aming pagsasama ay ilang beses narin sinubok ang aming pagkakaibigan ngunit nanaig parin ang pagmamalasakit at pagmamahal ng bawat isa. Kaya naman sa mga "kapatads" maraming salamat, salamat sa lahat ng masasaya...

Hindi ka Nag-iisa

Image
Hindi ka Nag-iisa Ilang beses ka na bang sinaktan, binigo at iniwan? Marahil hindi mo na mabilang. Bawat tao ay nakararanas na mga problema sa buhay, maging ang mga paslit ay namomroblema sa damit na kanilang isusuot, pagkain na kanilang kakainin at maging mga laruan ng kanilang ipapabili. Mga kabataan na inaalaala ang kanilang pag aaral, maging ang kanilang mga kaibigan at pamilya. At ang mga magulang na iniisip kung saan kukuha ng pangkain at pang matrikula ng mga anak. Ang pagsubok ay parte na ng ating buhay, bawat isa sa atin ay nakararanas nito. May mga pagkakataon na nawawasak tayo dahil sa paninirang puri ng ibang tao, pagkakaroon ng wasak na pamilya at pag iwan ng mga taong pinahalagahan at minahal natin. At higit sa lahat ay ang sirang relasyon na meron tayo sa Diyos. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito ay hindi kailanman nagkulang ang Diyos sa atin, ipinaramdam niya na kailanaman ay hindi tayo na-iisa, dumating man sa punto n...

Bagong Bayani

Image
 Bagong Bayani Siya ang rason kung bakit ako bumabangon Sa aking pag bagsak ay muli akong inahon Patuloy na gumagabay hanggang sa ngayon Di natinag sa mga pagsubok at hamon Nagsimula sa kanyang dugo at sinapupunan Ako'y nabuhay at sa kanya'y nagbigay kasiyahan Gumabay sa aking unang paglakad Hanggang sa ang buhay ay patuloy na umusad Ngunit isang araw na sa akin ay tumatak Ika'y lumisan at maleta ang hawak Hindi napigilan ang mga luha sa pagpatak  Hindi ko mawari kung ako ba'y magagalak Ika'y umalis at nangibang bansa Tiniis ang hirap, lungkot at pagdurusa  Hindi ininda pagod na kanyang nadarama Sapagkat ang nais sa pamilya'y buhay na maganda Maituturing ngang isa kang bayani o Ina  Kaya naman ang tulang ito'y alay ko sa iyo Pagsubok ma'y dumating, itoy yinari mo na Salamat sa buhay na tuluyan mong binago.